Ano ba tunay na kahulugan at layunin ng fraternity at sorority? Ito ba ay isang samahan para sa sosyalan lamang? Samahang palakasan, pakisigan, pagandahan, paramihan ng pera, atbp? Ito ba ay pinasok mo dahil ikaw ay mahina, duwag, bobo, pangit, konti lang ang kaibigan, atbp., para mapunuan ang iyong kakulangan sa pisikal at katauhang katangian?
Ikaw ba ay sumali rito para mamayagpag at ipagmalaki na ikaw ay malakas, matalino, mapera, makisig, maganda, o kaya'y seksi kaya dapat ka nilang igalang, sambahin, at katakutan? Umanib ka ba rito para makahingi lang ng tulong subalit di ka naman tumutulong sa kanila? Kasama ka sa ginhawa at saya, pero sila lang ang sa hirap, at lungkot?
Tatanungin kita Kapatid: Gusto mo ng tulong sa frat/sor mo? May nagawa ka na ba, o kaya'y may ginagawa ka na?
Sabi nga ng isang sikat na presidente ng US (tama ba un?): Do not ask your country what it can do for you, but ask what you can do to help! (hindi eksaktong kataga)
Ang tunay na Kahulugan at Layunin ng fraternity at sorority ay Kapatiran. Hindi ko na tanda ang mismong mga kataga ng panata, konstitusyon at batas ng fraternity na aking inaniban noong ako ay nasa kolehyo pa pero ang lahat ay natanim sa aking puso at kaluluwa - at lalong pinagtibay at pinag-init ito ng panahon ng pagsasamahan namin ng aking mga kapatid sa fraternity/sorority na akin sinamahan.
Hayaan mong ibulalas ko ang aking saloobin, pagkaka-intindi at karanasan ko sa fraternity, Kapatid - ZEAL STYLE!
Ang fraternity/sorority ay isang Kapatiran ng mga estudyante at alumni na ang mga pangunahing layunin ay ang mga sumusunod (di ayon sa pagka-importansya): 1) Hubugin ang iyong pagkatao para maging matatag, responsable, at tunay na kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bayan, 2) Hikayatin at tulungan kang ilabas, ibuhos at ibahagi ang lahat nang iyong karunungan at Galing sa kapatiran para sa isang maunlad at mabungang kapatiran, 3) Magkaroon ng kapatid at kapamilya na kasinghulugan na rin ng iyong kadugo at tunay ng pamilya, 4) Hikayatin kang maging aktibo sa larangan ng pakikipag-tulungan, sa abot ng iyong kakayahan, para sa mga higit na nanganga-ilangan ng tulong, 5) Bigyan ka ng salag laban sa mga mapang-api, mapang-abuso, at lahat nang katiwalian at kalupitan sa mundong ito, at ang pang-huli pero pinaka-imporante sa lahat - 6) Aalagaan at Ipaglalaban mo ang karangalan, katatagan at pagka-buo (UNITY) ng iyong fraternity/sorority!
Maaring ang brotherhood/sisterhood ay mapuno ng maraming hindi pagkaka-intindihan pero hanggang nai-isip ng bawat isa ang kapakanan ng brotherhood - walang imposible para mabuo ang kapatiran!
Sa madaling salita (sa aking pananaw) - ang fraternity/sorority na sinamahan ko ay di lang panandalian (temporary), kundi panghabangbuhay.
Once a ZEAL alway a ZEAL!
God bless ZEAL!
tama...
ReplyDeleteChristian Jay M Samaniego
ReplyDeleteLachica Bulatao
ReplyDelete